Showing posts with label happiness. Show all posts
Showing posts with label happiness. Show all posts

Monday, October 17, 2011

A Day of Love and Hurt Thoughts in my Diary (May 6, 2009) --what WRITING DOES--

Hi!


It’s been a long time since the last time I wrote about how I feel.


Anyway, ang aga kong nagising because of the rain. Talagang sabay na sabay ang panahon sa feelings ko. Alam mo ba kung bakit ko nasabi ‘yon? Kasi umiiyak ang puso ko! Mas na-miss ko na naman kasi si Ino.  Matagal-tagal ko rin siyang hindi natawagan, e.  kagabi, natawagan ko siya pero bitin pa rin, e. It’s not enough to make my heart stop, stop from crying. Since the last time I saw him my heart has always been sad. I thought I’ll never be sad again. Maybe I’m laughing but inside I’m crying. Minsan, parang gusto ko nang lumayo dito nang maging malaya naman ako even just for awhile. Kung bakit kasi hindi ako maintindihan nila mama. Kung ang akala nila ay gaya ako ng mga napag-uusapang nabubuntis diyan sa tabi-tabi, aba, do’n sila maling-mali! As if naman na papaya ako. Duh! Of course NOT! I know that they simply want to protect me pero, hindi kaya over na sila na pati happiness ko ay nasisira na? Parang wala naman silang tiwala sa ‘kin. Hindi ba pwedeng for once in my life, pagkatiwalaan nila ako? Kung kailang masayang-masaya na ako, nabitin pa! kailan kaya ako sasaya ulit ng gano’n?


Haay..


Bigla ko tuloy naalala the last time na nagkita kami. Ang saya-saya-saya ko noon. Gustong-gusto ko siyang yakapin that time but I didn’t know how. (Tignan mo nga naman ang inosente sa pakikipagboyfriend, walang alam!) Feels like I want to go back to that moment, to that very moment when I was holding his hands as if I never want to let him go. No’ng  niyakap niya ako, parang ayoko nang umuwi. I felt secured with his embrace! (nakakainis naman, e! tumutulo na naman luha ko!) parang gusto ko nang sumama sa kanya pero hindi naman pwede.


Hay naku!


My birthday is coming. And I don’t want any celebration to happen at all! It’s going to be USELESS if I won’t see him. I’d still be sad kahit na magkaroon pa ng birthday celebration. I’m turning 16 but it wouldn’t be sweet without him. Yah! I’ll be happy to be with my friends and family but I’ll be happier if he will be there. Alam mo ba? He asked me kung anong gusto kong gift for my birthday! Sabi ko, “Anything! Basta galling sa ‘yo.” Alam mo ba kung anong isinagot ni loko?! Sabi niya, “What if ring? Engagement ring.” GRABE! As in I was so shocked with what he said! Ni hindi ko na alam ang sasabihin ko! Bigla ko na lang nasabi sa saili ko, Mahal talaga ako ng taong ‘to! I asked him if he was serious and he said yes.


Hay naku!


I never did think of these things! Never had imagined of someone to love me. Dati talaga I used to be alone, I used to love only myself besides from God, my family and friends. I never thought of having a boyfriend at all. But suddenly, this man, Ino, my boyfriend, just came into my life unexpectedly. Akala ko before he’s just another friend, hindi pala! ‘Yun pala, he’ll make a big change in me, in my life… Hay…


Ang daming nangyari sa buhay ko na kailanman ay hindi ko inasahan. At alam ko, marami pang mangyayari. I hope that my life will end with a HAPPY ENDING!
                                                                                                                                 -denise 050609



I'm sharing this with the thought of hope that people would somehow understand me.
I'm sharing this as another way of saying that I am also a human being, that I also get hurt and has dreams, fancies.
I'm sharing this to show how having a diary, or simply writing, to express or bring out your thoughts and feelings helps a person to ease his burdens.
I'm sharing this as a way of showing how Love is important in someone's life.

©RiaElique

Monday, September 5, 2011

"Simple Lang..."

“Simple Lang...”
Kailan ka huling ngumiti nang hindi mo alam kung bakit ka ngumiti? Kailan mo hhuling nadama na para bang wala kang problema, na tila ba ang buhay mo’y perpekto, ang mundo’y payapa?
Para sa iba, mahirap hanapin ang tunay na kaligayahan. Pakiramdam kasi ng iba ang mundo’y komplikado. May ilan naming nagsasabi na madali lang dahil ito’y nasa paligid. Hindi na raw dapat pang pahirapan ang sarili para lang maging masaya. At may mga tao rin naman na hindi alam kung ano nga ba, paano, saan makikita ang tunay na kaligayahan.
Sa totoo lang, noo’y hindi ko talaga alam kung ano nga ba iyon at kung ano ang nagdadala ng ganoong pakiramdam. Ngunit syempre, kagaya ng normal na tao, ako rin naman ay may normal na buhay at maraming pinagdaraanan – problema sa loob ng pamilya: ‘di magandang relasyon sa mga kapatid at mga magulang; sa mga kaibigan: mga ‘di pagkakaunawaan at pagkakasira ng inalagaang pagkakaibigan; sa iskwela: tambak na mga aralin, report at kung anu-ano pang mga requirements; pati pera ay pinoproblema ko rin, pagba-budget ng baon; pagkabigo sa pag-ibig na nakakaapekto talaga; diskriminasyong ‘di maawat-awat; idagdag mo pa ang mga nakakainis na kritisismo at mga nakapagpapangiting mga papuri mula sa iba’t ibang tao, mapa-kamag-anak man o napatingin lang; at kung anu-ano pa, halo-halong kulay at lasa – na nagdala sa akin sa riyalisasyon kung ano ang tunay na kaligayahan para sa akin. Humantong ako sa dalawang depinisyon kung ano ito:
Una, ang tunay na kaligayahan ay nakikita sa isang simpleng pagngiti nang hindi mo alam kung ano ang dahilan. (Hindi.) Hindi lang kasiyahan kundi puro at lubos na kagalakan, kaligayahan. Isabay mo pa ang magaan na pakiramdam na tila ba walang darating na mabibigat at maiitim na mga ulap na nagbubuhos ng malakas na ulan, na tila ba ikaw ay nasa alapaap at kasama mong lumilipad ang mga puting ibon na kapag tinatamaan ng mainit na sinag ng araw ay nakakakisilaw sa sobrang kislap. Ito ’yung mga panahong hindi maipaliwanag ng isang tao kung ano ang kanyang nararamdaman sa likod ng kanyang pagngiti. Maraming pagkakataon nang nahuli ko ang ibang tao na nagkakaganito. Ang nasasabi na lang nila ay, “Wala lang…Naisip ko lang, napakaganda pala ng buhay.” Kung hindi naman gano’n ay pwede ring puro magagandang bagay ang sinasabi nila. Madalas ay hindi nila napapansin na nakangiti na pala sila. Kailangan mo pang sabihin para lamang malaman nila kung gaano na kalaki ang ngiting iyon sa mukha nila. Minsan ‘yung mga taong hindi masyadong ngumingiti, sila ‘yung mga ganito. Kapag naman nakita mong napangiti, aba’y lubos ang pagtanggi. Nahuhuli ko rin minsan ang aking sarili na nakangiti. Kapag ganoon ay tinatanong ko ang aking sarili, “Anong meron? Anong nangyayari?” Madalas kasi kapag nahuhuli ko ang aking sarili ay ‘yung mga panahong madami akong iniisip na problema, kung paano ko maaayos ang mga ‘yon. Pero sa kabila ng mga problemang ‘yon ay nakuha ko pang ngumiti. Naalala ko ‘tuloy ‘yung kanta ng Bamboo, Noypi:
Andami mong problema
Nakuha mo pang ngumiti
Noypi ka nga
Astig

Oo nga, ‘no? Nakakapagtaka ang mga Pilipino. Paano natin nakukuhang ngumiti kahit na napakaraming dapat ayusin? A, alam ko na. Kasi kapag daw madami kang problema, ang ibig lang sabihin no’n ay binabantayan ka ng Diyos. Binibigyan Niya tayo ng pagsubok para maging mas matatatag na nilalang tayo, dahil Siya ang ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. May mga panahon na napapapikit ako ng mata at nagpapasalamat sa Kanya.

Ikalawa, ang pagiging masaya ay isang opsyon. Parang sa pamimili lang ng damit na isusuot sa araw-araw. Maaari kang magpaka-fashionista kung gusto mo o magsuot ng mga damit na nagpaparamdam sa ‘yo ng pagkakomportable. Mga damit na light o bright colored, sumasalamin sa kaginhawaan, pagkamaaliwalas. At, maaari mo ring piliin ang magpakalosyang o magpakabaduy. Nasa sa ‘yo kung ayaw mong sumaya. Parang ganoon din sa pagiging masaya. Pwede naman kasi napiliin mo ang maging masaya na humahantong sa pagiging tunay na masaya. Kayo, kung gusto niyong isipin na kayo’y mag-isa, magiging malungkot lang kayo. Bahala kayo. Sabi nga nila, “It’s all in the mind.”
Sa kabuuan: Ang tunay na kaligayahan ay hindi hinahanap. Ito ay sadya nating nararamdaman kapag tayo’y tunay na nagagalak. At ito’y nasa sa atin lang din. Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang depinisyon, mga pagpapakahulugan ng iba’t ibang klase ng tao dito sa mundo. Marami ang tila kakaiba sa pandinig, pero sa kanila iyon ang tunay na kaligayahan. Siguro ay weird ang akin. Pero, ito ay opinyon lang naman. At walang maling opinyon. :)


©RiaElique