Wednesday, September 28, 2011

Heartaches

Love comes, love goes...

yeah, that's right.
but what if you got stuck at one point??
how do you go on?
how do you move on?
what happens to you getting stuck?


what's wrong with the people of this world?
why do they have to cause other people so much pain?
why do they have to leave them under the heavy rain?
why do they have to stab them?
why can't they just give them  warm tight hug?
why can't they just love them?


it's such a pity view.
so heartbreaking..


i've been hurting..
it's a heavy thing..
yeah, it is..
i know you're hurting, too.
so how does it feel?
sad, right?
sorrow..
tears..
pain..


what more?



©RiaElique

Monday, September 5, 2011

"Simple Lang..."

“Simple Lang...”
Kailan ka huling ngumiti nang hindi mo alam kung bakit ka ngumiti? Kailan mo hhuling nadama na para bang wala kang problema, na tila ba ang buhay mo’y perpekto, ang mundo’y payapa?
Para sa iba, mahirap hanapin ang tunay na kaligayahan. Pakiramdam kasi ng iba ang mundo’y komplikado. May ilan naming nagsasabi na madali lang dahil ito’y nasa paligid. Hindi na raw dapat pang pahirapan ang sarili para lang maging masaya. At may mga tao rin naman na hindi alam kung ano nga ba, paano, saan makikita ang tunay na kaligayahan.
Sa totoo lang, noo’y hindi ko talaga alam kung ano nga ba iyon at kung ano ang nagdadala ng ganoong pakiramdam. Ngunit syempre, kagaya ng normal na tao, ako rin naman ay may normal na buhay at maraming pinagdaraanan – problema sa loob ng pamilya: ‘di magandang relasyon sa mga kapatid at mga magulang; sa mga kaibigan: mga ‘di pagkakaunawaan at pagkakasira ng inalagaang pagkakaibigan; sa iskwela: tambak na mga aralin, report at kung anu-ano pang mga requirements; pati pera ay pinoproblema ko rin, pagba-budget ng baon; pagkabigo sa pag-ibig na nakakaapekto talaga; diskriminasyong ‘di maawat-awat; idagdag mo pa ang mga nakakainis na kritisismo at mga nakapagpapangiting mga papuri mula sa iba’t ibang tao, mapa-kamag-anak man o napatingin lang; at kung anu-ano pa, halo-halong kulay at lasa – na nagdala sa akin sa riyalisasyon kung ano ang tunay na kaligayahan para sa akin. Humantong ako sa dalawang depinisyon kung ano ito:
Una, ang tunay na kaligayahan ay nakikita sa isang simpleng pagngiti nang hindi mo alam kung ano ang dahilan. (Hindi.) Hindi lang kasiyahan kundi puro at lubos na kagalakan, kaligayahan. Isabay mo pa ang magaan na pakiramdam na tila ba walang darating na mabibigat at maiitim na mga ulap na nagbubuhos ng malakas na ulan, na tila ba ikaw ay nasa alapaap at kasama mong lumilipad ang mga puting ibon na kapag tinatamaan ng mainit na sinag ng araw ay nakakakisilaw sa sobrang kislap. Ito ’yung mga panahong hindi maipaliwanag ng isang tao kung ano ang kanyang nararamdaman sa likod ng kanyang pagngiti. Maraming pagkakataon nang nahuli ko ang ibang tao na nagkakaganito. Ang nasasabi na lang nila ay, “Wala lang…Naisip ko lang, napakaganda pala ng buhay.” Kung hindi naman gano’n ay pwede ring puro magagandang bagay ang sinasabi nila. Madalas ay hindi nila napapansin na nakangiti na pala sila. Kailangan mo pang sabihin para lamang malaman nila kung gaano na kalaki ang ngiting iyon sa mukha nila. Minsan ‘yung mga taong hindi masyadong ngumingiti, sila ‘yung mga ganito. Kapag naman nakita mong napangiti, aba’y lubos ang pagtanggi. Nahuhuli ko rin minsan ang aking sarili na nakangiti. Kapag ganoon ay tinatanong ko ang aking sarili, “Anong meron? Anong nangyayari?” Madalas kasi kapag nahuhuli ko ang aking sarili ay ‘yung mga panahong madami akong iniisip na problema, kung paano ko maaayos ang mga ‘yon. Pero sa kabila ng mga problemang ‘yon ay nakuha ko pang ngumiti. Naalala ko ‘tuloy ‘yung kanta ng Bamboo, Noypi:
Andami mong problema
Nakuha mo pang ngumiti
Noypi ka nga
Astig

Oo nga, ‘no? Nakakapagtaka ang mga Pilipino. Paano natin nakukuhang ngumiti kahit na napakaraming dapat ayusin? A, alam ko na. Kasi kapag daw madami kang problema, ang ibig lang sabihin no’n ay binabantayan ka ng Diyos. Binibigyan Niya tayo ng pagsubok para maging mas matatatag na nilalang tayo, dahil Siya ang ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. May mga panahon na napapapikit ako ng mata at nagpapasalamat sa Kanya.

Ikalawa, ang pagiging masaya ay isang opsyon. Parang sa pamimili lang ng damit na isusuot sa araw-araw. Maaari kang magpaka-fashionista kung gusto mo o magsuot ng mga damit na nagpaparamdam sa ‘yo ng pagkakomportable. Mga damit na light o bright colored, sumasalamin sa kaginhawaan, pagkamaaliwalas. At, maaari mo ring piliin ang magpakalosyang o magpakabaduy. Nasa sa ‘yo kung ayaw mong sumaya. Parang ganoon din sa pagiging masaya. Pwede naman kasi napiliin mo ang maging masaya na humahantong sa pagiging tunay na masaya. Kayo, kung gusto niyong isipin na kayo’y mag-isa, magiging malungkot lang kayo. Bahala kayo. Sabi nga nila, “It’s all in the mind.”
Sa kabuuan: Ang tunay na kaligayahan ay hindi hinahanap. Ito ay sadya nating nararamdaman kapag tayo’y tunay na nagagalak. At ito’y nasa sa atin lang din. Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang depinisyon, mga pagpapakahulugan ng iba’t ibang klase ng tao dito sa mundo. Marami ang tila kakaiba sa pandinig, pero sa kanila iyon ang tunay na kaligayahan. Siguro ay weird ang akin. Pero, ito ay opinyon lang naman. At walang maling opinyon. :)


©RiaElique

Sunday, September 4, 2011

“Kalokang First Love!” (What A Crazy First Love!)

“Kalokang First Love!”

      Nasa ikatlong taon ako ng aking pagkahayskul nang aking maranasan ang tinatawag nating “First Love” o unang pag-ibig. Siya ay aking nakilala gamit ang pinakamabilis at pinakamodernong paraan ng kuminikasyon – ang cellphone.

      Iyon ay isa lang naman sa mga ordinaryong araw para sa isang palangiting estudyante na tila ba walang iniisip na problema nang ako ay biglang tamaan ng aking nakakalokang curiosity.

      “Hmp. Ang epal nito! Nakakainis na,” aburidong sabi ni Trish na may halo pang pagkunot ng noo.

      “Hay naku! Sinabi mo pa. Akala mo naman kung sinong magsalita, wala naming ibubuga,” mariin na pag-ayon na sagot ni Yanny  kay Trish.

      Narinig ko ang usapan nilang ito at dahil sa mga kaibigan ko naman sila, nagtanong ako. “Girl, sino naman ‘yang topic niyo? Parang inis na inis ka.”

      “A, eto? Nanliligaw sa ‘kin pero hindi ko naman siya gusto. Napaka-epal kasi, anyabang.”

      “Gano’n? E, ‘di h’wag mong sagutin. Problema ba ‘yon?” Sabay tawa kong sagot.

      “Sarah, favor naman dyan,” nakangiting tingin sa ‘kin ni Trish.

      “Ano?”

      “Teksmeytin mo nga para tigilan na niya ako.”

      Nag-alinlangan pa ako no’ng una pero dahil sa nahiwagaan ako sa sinabi nila, “Okey, tignan nga natin kung uubra ‘yang sinasabi niyong kaepalan niya sa ‘kin.”

      Mula no’ng araw na ‘yon, nagging textmates kami ni Kean. Tinigilan nga niya si Trish at nagkaroon ng girlfriend. Epal at mayabang din nga. At heto pa, hindi ba ang text ay ginawa para paikliin ang mga salita? Sa kanya, hindi. Buo kung magtext at English pa! Kaloka! Halos magnosebleed ako noon pakikipagtext at katetext sa kanya. Pati kasi ako ay napapa-Ingles din. Hayun, text-text. Panay ang kwento niya kung gaano niya kamahal si Ate Kristiyn, girlfriend niya ng mga panahong iyon. Hanggang sa isang araw, nagtext si Kean. Wala na sila ni Ate Kristyn at tinanong niya kung pwede daw ba niya akong ligawan. Hindi nagtagal, dahil sa nagustuhan ko naman na siya kahit na naiinis pa rin ako sa kayabangan niya, pinayagan ko siya. (O, baka sispin niyo na hindi pa kami nagkita.) Nagkakilala na kami bago pa niya ‘yon tanungin sa ‘kin, informal meeting nga lang. Naging kami pagkatapos ng nakakalokang ligawan stage. Friday the 13th nang sinagot ko siya.

      Naging lihim ang relasyon naming kahit na ipinaalam ko kina mama na nanligaw siya sa akin. Hini ko sinabi kay mama na naging kami dahil lam kong magagalit siya. Hinahatid ako ni Kean sa bahay pero hindi niya kailanman nakilala ang aking pamilya kahit na gustong-gusto niya. Ayaw ni mama na makilala siya magmula no’ng nalaman nioyang naging kami na. Pinagalitan at ipinahiya nila ako noon. Nagalit si mama sa akin. Ramdam ko ‘yon. Itigil ko raw ang aking kabaliwan. Pero minahal ko siya at naramdaman ko rin naman na minahal niya ako. Kaya naman kahit na napunta na ako sa ipit na sitwasyon ay ipinagpatuloy namin ang meron kami. Dahil sa kanya ay natuto akong magsinungaling, umalis nang walang pasabi. Hindi ko sinunod si mama.

      Maayos naman ang mga grado ko habang kami pa. Siya ang aking naging inspirasyon. Pero dumating ang Independence Day, naghiwalay kami dahil sa isang bagay na hindi klaro sa akin. Sinubukan kong tanggapin iyon. Hindi ko nagawa. Nagkandaloko-loko ang pag-aaral ko. Pati research paper ko, hindi ko natapos. Tinamad ako na gawin ang mga bagay-bagay.

     Inabot ako ng dalawang taon para tuluyang makalimutan ang sakit at pait ng makadurog pusong pangyayai na iyon. Naibalik ko na ang dating palangiti at masayahing ako. Magkaibigan na kami ngayon ni Kean, sa FB nga lang, virtual friendship. Hindi pa kami nagkakaayos. Pero umaasa ako na darating ang araw na matatawag ko siyang kaibigan. Maraming salamat sa kanya dahil dahil sa kanya lumalim ang interes ko sa mundo ng Ingles (Siya pa nga ang dahilan kung bakit ABES ang kinuha kong kurso, e!) lalo na sa pagsusulat ng mga tula at awit. Aral na maituturing ang karanasan ko na ‘yon. Alam niyo ba ‘yung kanta ni Taylor Swift na “Fifteen”? ‘Yun ‘yon… :)

---Isa ito sa mga komposisyon ko sa klase namin sa Retorika. Ito ay totoong nangyari at sadya ko ring binago ang mga pangalan ng mga tauhan for the sake of confidentiality. :))

© by Ria Elique